Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Tampok

Siklo

Kung ang paglingap at pangangaral ay pagkain ng kaluluwa’t laman, walang dudang hindi nagkulang sa pagpapakain ang aming mga magulang.  “Buntot mo, hila mo. Sungay mo sunong mo,” ang bukambibig ni tatay kapag may desisyon akong ipinagpipilitan sa kabila nang pagsaway niya. Matigas ang ulo ko, aminado ako. At ang ugaling ito ang ilang beses nang naglagay sa akin sa alanganin, katulad nang mag-asawa ako sa edad na katorse. Nasa honors list ako bago nito, at nawala sa listahan matapos ang school year. Sampung buwan lang din kaming nagsama ng babaeng pinakasalan ko sa Aglipay, at sa panahong iyon ay halos araw-araw naming pinagtatalunan ang pinakasimpleng bagay, kagaya ng kung sino ang maghuhugas ng mga kubyertos at pinggan. Hindi ko sinisi ang iba sa muntikang pagkapariwara sa bubot na edad. Kagaya ng pangaral ni tatay, hila ko ang buntot ko, at sunong ko ang sungay ko. Sa kanya ko rin natutunang bumiyaheng mag-isa na hindi nangagambang baka maligaw o hindi makauwi. Sa tuwing bitbit niya

Mga Pinakabagong Post

Si Ian Catapang at ang Tamang Tawiran